Home Headlines Apung Iru fiesta: 50 arestado sa paglabag sa liquor ban

Apung Iru fiesta: 50 arestado sa paglabag sa liquor ban

959
0
SHARE

Ang mga naarestong lumabag sa liquor ban. Kuha ni Rommel Ramos



APALIT, Pampanga — Sa pagdiriwang ng tatlong araw na kapistahan ni Apung Iru ay 50
kalalakihan ang inaresto ng kapulisan dahil sa paglabag sa liquor ban.

Kahit na may selebrasyon ay nagpatupad ng liquor ban ang pamahalaang bayan para mapigilan ang mga tumpukan para maiwasan ang pagkalat ng corona virus.

Ang ilan sa mga naarestong mga nag-iinuman ay mga nag-facebook live pa sa kabila ng pagbabawal sa pag-inom ng alak.

Noong una ay binigyan pa ng babala ang mga nag-iinuman at pinaikutan sa mga tanod ngunit tinatawanan lamang daw ang mga ito ng mga tumotoma.

Ayon kay Mayor Jun Tetangco, nagsimula ang liquor ban noong Hunyo 26 na tatagal hanggang Hulyo 1.

Aniya, pinatupad ang liquor ban kahit may fiesta para maiwasan ang mga tumpukan ngunit may mga nag-inuman pa rin at may mga nag-live pa sa social media ng kanilang pag-inom.

May mga  concerned citizen rin na mga nagsumbong at nagpadala sa kapulisan ng mga larawan ng nag-iinuman.

Ang mga naaresto ay nakatakdang sumailalim sa inquest proceedings dahil sa kasong paglabag sa liquor ban, social distancing, hindi pagsusuot ng face mask at disobedience.

Hindi naman nagbigay pa ng kanilang panig ang mga naarestong residenteng nagsipag-inuman.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here