Home Headlines Covid-19 sa Bataan: Bagong kaso 1 na namang OFW

Covid-19 sa Bataan: Bagong kaso 1 na namang OFW

625
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Isa na namang overseas Filipino worker ang bagong nagpositibo  sa coronavirus disease kaya tumaas sa 185 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Covid19 sa Bataan.

Nitong Sabado lamang ay dalawang OFW mula sa Bagac at Mariveles ang nakumpirmang positibo sa Covid–19.

Ayon kay Gov. Albert Garcia, batay sa ulat ngayong Linggo ng provincial health office, isang lalaking OFW na 50 taong gulang mula sa bayan ng Orani ang bagong nadagdag sa listahan ng mga pasyenteng may mapanganib na virus.

Dahil sa panibagong kaso, umakyat sa 21 ang bilang ng mga aktibong kaso o ang hindi pa gumagaling na mga pasyente sa Covid19. Sa kabuuan, 154 ang bilang ng mga nakarecover habang 10 naman ang pumanaw na, sabi ni PHO chief Dr. Rosanna Buccahan.

Nasa 114 ang naghihintay, aniya,  ng resulta ng laboratory exam; 3,878 ang nagnegatibo na, kabilang ang 111 bago. Mula noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 4,177 na umano ang sumailalim sa Covid19 test sa lalawigan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here