Home Headlines DA namahagi ng libreng pataba

DA namahagi ng libreng pataba

1248
0
SHARE

Mga magsasaka na nagpapasalamat dahil sa libreng pataba. Kuha ni Ernie Esconde


SAMAL, Bataan — Nagsimulang mamahagi ng libreng pataba ang Department of Agriculture nitong Biyernes sa 14 na barangay sa bayang ito.

Ayon kay Lydia Banal, agricultural technologist, mahigit 850 magsasaka ng palay ang mabibiyayaan ng libreng patabang urea.

Kaya lang, aniya, ang programa ay tinatawag na “buy 1 take 1 o buy 2 take 2 o higit pa” depende sa laki ng lupang sinasaka ng magsasaka.

Ang mga magsasaka ay nabigyan ng libreng dalawa hanggang walong sakong patabang urea.

“Ang mga rice farmers bibigyan sila ng ayuda para hindi nila masabi na kulang sa abono ang kanilang mga palayan. Binigyan sila ng ganyan para makabawas na sa kanilang budget, paliwanag ni Banal.

“Lahat ng nakamasterlist na magsasaka makakakuha sila ng libreng urea fertilizer kaya lang bibili muna sila para mabigyan ng katumbas na libre, dagdag pa ni Banal.

Ang programa ay sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ng agriculture department na ipinatutupad ng mga municipal agricultural offices.

Tuwangtuwa naman ang mga magsasaka sa biyayang kanilang natanggap.

“Malaking tulong sa amin ang pataba na galing sa gobyerno kasi ang mahal ng pataba, mahirap ang pagbili ngayon at wala na kaming budget. Malaking tulong sa akin, sabi ni Elvira Esconde.

Sinabi ni Adelaida Mojica na P1,000 ang isang sako ng urea fertilizer. “Ako rin ganun din, the same na din. Wala kaming pambiling pataba dahil mahirap ang buhay namin, pag-ayon ni Mojica sa sinabi ng ibang magsasaka.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here