Home Headlines Quarantine checkpoint sinuyod ng truck

Quarantine checkpoint sinuyod ng truck

747
0
SHARE

Ang mga nagtumbahang motorsiklo sa quarantine checkpoint matapos suyurin ng truck. Kuha ni Rommel Ramos



LUNGSOD NG MALOLOS
 — Sinuyod ng isang truck ang quarantine checkpoint sa Barangay Longos bandang 12:40 pasado hatinggabi ng June 25.

Nagtumbahan ang limang motorsiklo at bahagya ding nasira ang dalawang tricycle na mga pag-aari ng mga force multiplier na naka-assign sa checkpoint nang suyurin ang mga ito ng Elf truck na may plakang XNR767 na minamaneho ni Anthon Muyergas, residente ng La Union.

Paliwanag ng pahinante ng truck na si Wackie Vinas, nasilaw ang kaniyang driver sa kasalubong na sasakyan at hindi napansin ang checkpoint.

Magdedeliver sana sila ng mga aluminum glass sa Baguio City.

Matipid naman ang sagot ng truck driver na si Meyurgas nang kapanayamin ng mga newsmen na nakadisgrasya lamang daw siya at hindi naman nakagawa ng krimen.

Ayon naman kay Lilibeth Calumpag, force multiplier, nagulat sila nang banggain ng isang trak ang kanilang barrier sa checkpoint. Mabuti na lamang at walang nasugatan sa mga nagtatao doon.

Ayon naman sa imbestigador ng pulisya ng Malolos, nais lamang ng mga volunteers na maipaayos ng truck driver ang sira ng sasakyan na nabangga nito at hindi na magsasampa ng kaso.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here