Home Headlines Taong Putik Festival: Kakaibang selebrasyon sa pista ni San Juan

Taong Putik Festival: Kakaibang selebrasyon sa pista ni San Juan

2212
0
SHARE

Ang mga deboto sa gilid ng kalsada na naghintay sa pagdaraan ng prusisyon ni San Juan Bautista. FB screengrab



ALIAGA, Nueva Ecija – Ilang deboto ang nagbalot ng kanilang sarili sa mga tuyong dahon ng saging o baging at nagpahid ng putik sa kanilang katawan o n
ag-taong putik nitong Miyerkules tulad ng nakagiwaang selebrasyon ng kapistahan ni San Juan Bautista sa Barangay Bibiclat ng bayang ito.

Ngunit hindi katulad noong mga nagdaang taon kung saan libu-libong tao ang gumagawa nito sa tinaguriang Pagsa San Juan o Taong Putik Festival, ang mga deboto ay naghintay na lamang sa harapan ng kanilang tahanan sa motorcade ng kanilang patron.

Ayon kay Rev. Fr. Elmer Villamayor, kura paroko ng St. John The Baptist Parish, limitado at pre-registered ang maaaring dumalo sa mga Misa bilang pagsunod sa umiiral na protocol kaugnay ng paglaban sa coronavirus disease.

Nilagyan ng pananda ang bawat upuan sa loob ng simbahan upang masiguro ang social distancing.

Sa halip rin na magarbong handaan, pinayuhan ang mga residente ng kung maggagayak ng pakain ay para lamang sa pamilya, ayon kay Vilamayor. Ngunit nagpamahagi aniya ang parokya ng pagkain, katulad ng litsong manok, sa ilang piling pamilya.

Nagpahayag ng kasiyahan si Villamayor sa naging pagtugon ng mga tao sa panawagan na huwag nang magtungo sa simbahan at sa halip ay “si San Juan ang pupunta sa inyo.”

Maaari aniyang hindi lamang narating ng pabatid sa pamamagitan ng Facebook ang ilang residente.

Sa kanyang homiliya ay binigyang-diin ni Villamayor na isang aral na natutunan sa pandemya na maraming bagay ang maaaring mawala subalit mabubuhay pa rin ang tao: “Natutunan natin kung ano ang pinakamahalaga. Yung hindi mabubuhay pag wala ito.

Hinikayat niya ang mga mananampalataya na tularan si San Juan na nanindigan sa katotohanan nang sabihan si Herodes na mali ang pakikisama nito sa kanyang hipag at dahil dito ay ang pinugutan siya ng kanyang ulo.

“Mamuhay sa totoo, huwag sa kasinungalingan,” sabi ng pari.

Si Juan ay tinawag ni Hesus bilang “a person of concern” at ang kakayanang mamatay para sa minamahal ang dapat maging pamantayan ng isang tao,”ayon naman kay Nueva Vizcaya Bishop Elmer Mangalinao.

Ngayong panahon ng pandemya ay makikilala aniya ang isang tao: “Sino ang mga matulungin at sino ang nga sakim? Sino yung nga taong mayroon nang pandemya ay iniisip pa ang pagkita ng malaking peraat hindi iniisip ang pagbibigay sa iba? Sino ang mga tao na alam nilang maraming mga naghihirap pero corruption pa rin ang inuuna at walang pakundangan sa pangangailangan ng iba? 

Tanong ba ng obispo: “Sino ang mga tao sa atin ngayon na alam naman po nila o ginagamit ang paghihirap ng tao para itaas ang kanilang ambisyon kahit na sinonang matapakan? 

Dagdag pa niya: Kinakailangan ng tao na tunay na sasaksi sa pananahan ni Kristo at magtuturo sa kanilang kapwa sa pamamagitan ng kanilang salita, sa pamamagitan ng kanilang gawa, at sa pamamagitan ng katotohanan na kanilang isinasabuhay. We need the presence of many Johns in our families, in our families, in our country,” 

Ang debosyon kay San Juan ng mga taga-Bibiclat ay sinasabing sumidhi sa panahon ng Japanese occupation noong 1944, batay sa kwento ng mga residente.

Nakatakda raw patayin ng mga sundalong Hapones ang marami kaya ang mga residente ay nagtungo sa simbahan upang taimtim na manalangin para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Habang naka-firing squad ay biglang umulan nang malakas at itinuring ng nga Hapon na ito’y pagtutol ng langit kaya hindi itinuloy ang pagpatay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here