Home Headlines Pangamba sa baha sa pagkasira ng Bustos Dam

Pangamba sa baha sa pagkasira ng Bustos Dam

894
0
SHARE

Si Sapang Bayan barangay chairman Roberto Lucas na nababahala sa matinding pagbaha sa kaniyang lugar. Kuha ni Rommel Ramos



CALUMPIT, Bulacan — Nangangamba ang mga residente ng
Barangay Sapang Bayan dahil sa posibleng mas malalim na mga pagbaha na kanilang maranasan sa panahon ng tag-ulan dahil sa pagkasira ng Bustos Dam.

Ayon sa mga residente, kapag tag-ulan ay binabaha sila ng hanggang lagpas tao lalo na kapag nagpapakawala ng tubig ang Bustos at Angat dam sa Bulacan dahil mababa ang kanilang lugar at sila ang unang nakakaranas ng pagbaha.

At dahil sa pagkasira ng isa sa anin na floodgate ng Bustos Dam, inaasahan nila na mas tatagal at mas lalaki ang tubig baha na kanilang mararanasan ngayong tag-ulan.

Dahil dito, nananawagan sila sa mga kinauukulan na sana ay pabilisin ang pagrepair sa rubber gate ng nasabing dam nang sa gayon ay hindi sila maapektuhan  

Samantala, papaimbestigahan ng mga lokal na opisyal sa Bulacan ang pagkasira ng rubber gate ng nasabing dam.

Ayon sa ulat, nasira nitong unang linggo ng Mayo ang isa sa anim na floodgate ng Bustos Dam halos dalawang taon lamang matapos na ito ay sumailalim sa repair.

Inaasahan na tatagal pa daw ng hanggang anim na buwan bago mapalitan ang nasabing rubber gates.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here