Home Headlines Bataan Covid–19 test lab bukas na

Bataan Covid–19 test lab bukas na

636
0
SHARE

Pinangunahan ni Gov..Albert Garcia ang pasinaya at pagbubukas ng 1-Bataan – BGHMC PCR laboratory. Kuha ni Ernie Esconde



LUNGSOD
NG BALANGA — Pinasinayaan at pormal nang binuksan Huwebes ang kauna-unahang laboratory para sa testing ng coronavirus disease sa Bataan na matatagpuan sa compound ng Bataan General Hospital and Medical Center (BGHMC) dito.

PInangalanang 1-Bataan-BGHMC RT-PCR Laboratory, ito’y naglalayong matukoy kaagad ang mga posibleng positibo sa Covid19, ma-isolate agad sa kanilang komunidad, at mabigyan ng kinakailangang atensiyong medical, sabi ni Gov. Albert Garcia.

Katuwang, aniya, ng bagong laboratory ang GenExpert PCR machine na may kakayahang makapagsagawa ng 250 test araw-araw kung saan ang resulta ay malalaman sa loob lamang ng dalawa o tatlong araw

Malaking tulong  ito sa atin na kaugnay ng unti-unting pagbabalik ng sigla ng ekonomiya sa ating lalawigan. Huwag nating isipin na nasa normal na tayo. Ituloy pa rin natin ang new normal,” sabi ng gubernador.

Pinagunahan ni Garcia, katuwang ang mga opisyales ng BGHMC at provincial health office chief Dr. Rosanna Buccahan, ang simpling pasinaya na hudyat ng pormal na operasyon ng polymerase chain reaction(PCR) laboratory test center.

Dumalo rin sa pasinaya si Dinalupihan Mayor Maria Angela Garcia, pangulo ng Bataan League of Municipalities.

Sinabi ng gubernador na sa pamamagitan ng laboratory ay malalaman na ang tunay ng kalagayan ng lalawigan sa pakikidigma” sa kaaway na hindi nakikita.

Pinasalamatan niya ang kanyang mga kababayan sa patuloy na pakikiisa at pang-unawa sa pagbaka sa mapanganib na virus. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here