Home Headlines Carinderia ipinasara sa paglabag sa GCQ

Carinderia ipinasara sa paglabag sa GCQ

1193
0
SHARE

LUBAO, Pampanga—Isang carinderia sa bayang ito ang ipinasara ng lokal na pamahalaan dahil sa paglabag sa ipinag-uutos na social distancing at ipinatutupad na curfew.

Sa utos ni Mayor Esmeralda G. Pineda, nagsagawa ng inspeksiyon si Lt. Col. Michael Jhon Riego, hepe ng Lubao Municipal Police Station, sa DICT’s Kambingan na matatagpuan sa Barangay Remedios.

Napag-alaman ni Riego na pinapayagan ng may-ari ng carinderia na kumain sa loob ng tindahan ang mga kostumer, bagay na mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng umiiral na general community quarantine.

Naabutan ng mga pulis ang ilang kostumer na kumakain sa loob ng carinderia at dahil dito’y inaresto ang mga ito kasama na ang may-ari ng kainan.

May mga natanggap ding ulat na tumatanggap pa ng kostumer ang tindahan kahit na sa oras ng curfew.

Ang umiiral na curfew sa buong Lalawigan ng Pampanga ay mula alas-9 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga kinabukasan.

Binigyang-diin ni Mayor Pineda na hindi pinapayagan ang “dine-in” sa mga restaurant at iba pang kainan para maiwasan ang posibleng pagkalat ng Covid-19.

Babala ng alkalde, ipasasara ang tindahan at posibleng kasuhan ang mga may-ari ng mga establisyimentong lalabag sa curfew at hindi magpapatupad ng social distancing.

“Hindi naman po sa ayaw natin silang maghanap-buhay pero kailangan lang po nating pangalagaan ang buhay at kaligtasan ng lahat dahil nandyan pa rin ang banta ng Covid-19, pagpapaliwanag ng alcalde.Kapag wala na pong virus, makakabalik din tayo sa dating normal na operasyon. Sa ngayon po, konting sakripisyo muna tayong lahat. Bayan ng Lubao-PR

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here