Home Headlines Clark airport balik commercial flights bukas

Clark airport balik commercial flights bukas

1439
0
SHARE

Puspusan na ang paghahanda sa Clark International Airport para sa pagbabalik ng commercial flights dito bukas. Kuha ni Rommel Ramos


CLARK FREEPORT — Magbabalik na ang domestic flights sa Clark International Airport simula bukas, Hunyo 5, dalawang buwan matapos suspendihin ang commercial flights dito dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine. Ang AirAsia ang unang airline company na nag-abiso ng kanilang pagbyahe bukas sa Cebu at Cagayan De Oro.

Dahil dito nakakalat na ang mga signage, markers, at acrylic partitions bilang bahagi ng mahigpit na pagpapatupad ng health protocols sa pagbabalik ng commercial flights sa CRK.

May mga markers at reminders din sa paligid ng paliparan para mai-observe ng mga pasahero ang social distancing.

Bukod sa pagsisimula ng domestic flights ay inaasahan din ang paglapag sa Clark bukas ng 200 overseas Filipino workers galing ng Dubai, at sa Sabado naman ay ang 300 repatriate seafarers galing ng Caribbean.

Ipinaliwanag ni Teri Flores, media relations officer ng LIPAD Corp., ang mga pasaherong lalapag mula sa international flights na ito ay kailangan na sumailalim sa PCR test at magkakatuwang sa pamamahala dito ang OWWA, manning agency, DOT at DOH.

Maari daw na mamili ang mga pasahero ng hotel na kanilang pananatilihan habang hinihintay ang resulta ng PCR test.

Sa sandaling may magpositibo sa mga ito sa Covid-19 ay agad na dadalhin ng DOH sa isang government quarantine facility.

Ang mga pasahero naman para sa domestic travels ay pawang sa GCQ to GCQ areas lamang at kailangan na may dalang travel pass at health declaration form ang mga ito.

Kukuhanan din sila ng body temperature na dapat ay hindi tataas sa 37.5C at kailangan na may dala na sariling alcohol na pinapayagan ang hanggang 100ml bilang hand carry item.

Sakaling may makitaan ng sintomas na papaalis na pasahero ay agad na ia-isolate ito at pangangasiwaan ng Bureau of Quarantine team.

Pinapaalala din sa pasahero na dumating sa airport ng tatlong oras bago ang kanilang flight schedule at huwag dadating ng masyadong maaga dito dahil hindi din sila papasaukin ng maaga sa loob ng paliparan para malimitahan ang bilang ng mga tao sa loob ng airport.

Tanging ang pasahero lamang ang papayagan na makapasok sa paliparan at iwasan na daw ang madaming kasama na maghahatid.

Hindi rin papayagan na makababa ng sasakyan ang mga pasahero hanggat walang espasyo sa social distancing marker sa dropoff area ng paliparan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here