Home Editorial Contents Liyab ng libong sulo

Liyab ng libong sulo

2715
0
SHARE

SA GITNA ng pusikit na kadiliman –

…Lumuha ka kung sa puso ay magmaliw na ang layon,
Kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon,
Kung ang alon sa dagat mo ay ayaw nang magdaluyong,
Kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi man umuungol.
Kung wala nang maglalamay sa gabi ng pagbabangon,

Lumuha ka nang lumuha, ang laya mo’y nakaburol…

Sa paglagablab ng kalangitan hudyat ng bagong bukang-liwayway –

May araw ding ang luha mo’y masasaid, matutuyo
May araw ding di na luha sa mata mong namumugto
Ang dadaloy kundi apoy, at apoy na kulay dugo
Samantalang ang dugo mo ay aserong kumukulo;
Sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo
At ang lumang tanikala’y lalagutin mo ng punglo!

Isang pagmumuni-muni sa huling dalawang talata ng Kung Tuyo na ang Luha Mo Aking Bayan ni Ka Amado V. Hernandez sa panahon ng nakaambang golpe de estado sa pagpasa ng batas laban sa terorismo, umano.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here