IBA, Zambales — Iniulat ng provincial health officenitong Miyerkoles na nag–negatibo sa Covid-19 ang 21 suspect case na nauna nang “reactive” sa isinagawang Rapid Diagnostic Test ng lalawigan. Ito ay batay sa ipinalabas na resulta nitong Lunes, Hunyo 1, ng Jose B. Lingad Regional Memorial Hospital.
Ang mga nag–reactive ay na-admit sa President Ramon Magsaysay Memorial Hospital at binigyan ng paunang lunas at atensiyon medikal at lahat sa mga ito ay nasa mabuti nang kalagayan.
Lahat ng nag-negatibong pasyente ay pinauwi na sa kani–kanilang bahay.
Payo ni Dr. Noel Bueno, provincial health officer, laging sundin ang mga alituntunin ng ating pamahalaan ukol sa pamaraan upang makaiwas sa Covid-19.