Home Headlines Benta ng alak limitado, permit kailangan sa biyaheng tricycle

Benta ng alak limitado, permit kailangan sa biyaheng tricycle

944
0
SHARE

Ang Sangitan Market, Hunyo 2. Padalang kuha ng CITO



LUNGSOD NG
CABANATUAN – Limitado sa isang bote ng hard liquor o anim na bote ng beer ang maaaring bilhin ng isang tao sa lungsod na ito.

Batay ito sa kautusan ng inilabas mg pamahalaang lungsod na mag-aalis sa liqour ban kaalinsabay ng pagbababa sa general community quarantine nitong Hunyo 1 mula sa enhanced community quarantinesamantalang patuloy na nilalabanan ng bansa ang Covid-19 pandemic.

Hindi naman binanggit sa anunsyo ng city information and tourism office (CITO) ang volume o laki ng bote na tinutukoy sa kautusan.

Ayon sa CITO, lifted na ang liqour ban simula nitong Hunyo 1 ngunit pwede lamang bumili ng alak mula Lunes hanggang Biyernes, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.

“Mahigpit paring ipinagbabawal ang pag-inom sa mga lansangan at iba pang public places,” sabi ng CITO.

Samantala, maaari nang mamasada ang mga tricycle ngunit kailangan munang humingi ng special permit mula sa city legalization division, ayon pa sa CITO.

Kailangan ding mahigpit na ipatupad sa tricycle ang health standards na pina-iiral kontra Covid-19 kaya kailangang may tarapal o anumang harang sa pagitan ng driver at pasahero, at isang pasahero lamang ang maaaring isakay at dapat laging nakasuot ng face mask ang driver at pasahero, paliwanag nito.

Hindi na kailangan ng home quarantine pass ng mga residente ng lungsod na ito subalit magbibigay ng market pass ang LGU upang gamitin sa pamimili sa public market at Sangitan Market, ang dalawang pangunahing pambublikong pamilihan dito.

“Habang wala pang nakukuha g market pass, pansamantalang magdala ng I.D. (identification card) na mayroong nakalagay na residence,” paalala ng tanggapan. 

Anito, may bagong takdang araw ng pamamalengke na dapat sundin ang bawat barangay ng siyudad.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here