Home Headlines Timbog sa droga, suspek din sa rape ng anak ng kinakasama

Timbog sa droga, suspek din sa rape ng anak ng kinakasama

787
0
SHARE

Ang suspek sa ilegal na droga na kinalaunan ay inireklamo na rin ng panggagahasa sa menor de edad.



CANDABA, Pampanga — Arestado ang isang 42-anyos na la
lake matapos bumagsak sa kamay ng mga kapulisan dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga.

Ngunit ang naarestong lalake ay inirereklamo din pala ng panghahalay sa menor de edad na may problema sa pag-iisip na anak ng kanyang kinakasama.

Ang suspect ay nakilalang si Rhosmel De Luna, 42residente ng Barangay Pasig, Candaba.

Ayon kay Lt. Col. Santos Meta Jr., hepe ng Candaba police, nagkasa sila ng buy-bust operation laban sa suspect dahil sa pagtutulak nito ng ilegal na droga.

Nakumpiska mula dito ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu at marked money.

Ngunit habang hawak ng pulisya si De Luna ay dito na ito isinumbong ng kanyang live-in partner na ginahasa ng suspect ang kanyang 14-anyos na anak.

Ayon kay Cpl. Myrafe Pangan ng women and children protection desk ng Candaba police, batay sa salaysay ng biktima, mula nang ito ay nasa ika-anim na baitang ng elementarya pa lamang ay hinahalay na siya ng suspek. At ang pinakahuling panghahalay sa kaniya ay nito lamang ika-23 ng Mayo.

Galit at awa naman ang nararamdaman ng ina ng biktima sa suspek dahil tatay ito ng bunso niyang anak.

Ayon sa ginang, marahil ay tadhana na rin ito ng kinakasama at kung ano ang kakahinatnan ng kaso ay kanyang tatanggapin.

Ang suspek ay kasalukuyang nakaditene sa Candaba police at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at rape in relation to child abuse.

Hindi naman nagbigay ng pahayag ang suspect hinggil sa mga kasong kinakaharap nya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here