Home Headlines Tricycle balik-pasada

Tricycle balik-pasada

1538
0
SHARE

ABUCAY, BataanNagsimula na ang biyahe ng mga tricycle, bagama’t hindi pa karamihan at matumal pa, sa bayang ito sa pagsisimula ng general community quarantine nitong Lunes.

Naghihintay ang mga tricycle ng pasahero sa gilid ng simbahan at sa harap ng isang mall.

Ilang tricycle driver ang nagsasabi na madalang pa ang kanilang pamamasada at hindi naman nagbago o tumaas ang pamasahe. Mabuti na lamang, anila, na kung minsan ay dinadagdagan na lamang ng mga pasahero ang kanilang bayad.

“Matumal pa ang pamamasada. Sabi bente pesos daw ngayon ang bayad pero wala pa namang ibinababang memo ang munisipyo kaya ang nangyayari kung magkano na lang ang ibigay ng pasahero, kung minsan dose o kinse pesos” sabi ni Ryan Dizon.

“Hindi ka naman pwedeng magsakay ng dalawa dahil mahuhuli ka. Kaya napakahirap para sa amin itong pamamasada na ito, daing pa nito.

Sa Lungsod ng Balanga kung saan napakaraming tricycle ay wala pang namamasada bagama’t aprubado na raw ni Mayor Francis Garcia. Isang marshal ang nagsabing baka sa Martes pa magsimula ang pasada.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here