LUNGSOD NG BALANGA — Iniulat ng provincial health office Biyernes ng gabi na isa ang nadagdag sa mga nasawi sa coronavirus disease sa Bataan na umakyat ang kabuuang bilang sa walo.
Ang pumanaw ay isang 69-anyos na lalaki mula sa bayan ng Hermosa. Nanggaling umano ang lalaki sa United Arab Emirates noong ika-24 ng Mayo, na-swab at nakumpirmang may sakit ito ng Covid–19.
Sa pagkamatay ng lalaki, bagama’t may iba raw karamdaman, ay umabot na sa 150 ang bilang ng mga pasyenteng kumpirmadong may kaso ng Covid–19 sa lalawigan.
Nananatling 134 ang bilang ng mga gumaling o naka-rekober na sa mapanganib na sakit.
Kabilang ang Bataan sa mga lalawigan sa Central Luzon na mula sa modified enhanced community quarantine ay binago ang status sa general community quarantine simula sa unang araw ng Hunyo.
Kumakalat ang balita na patuloy pa ang talakayan ng mga municipal at provincial officials tungkol sa bagay na ito.