Home Headlines Huli sa Zambales: 4 sa mahjong, 5 sa inuman

Huli sa Zambales: 4 sa mahjong, 5 sa inuman

989
0
SHARE

PALAUIG, Zambales Inaresto ng mga tauhan ng Palauig Municipal Police Station ang apat na magkakamaganak nang maaktuhan ang mga ito na naglalaro ng mahjong sa Barangay San Vicente sa bayang ito habang ipinapatupad ang Modified Community Quarantine sa buong lalawigan ng Zambales.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Romela Lemque, 35; Noralyn Lemque, 40; Crisbelyn Lemque, 35; at Crisrina Lemque, 35, pawang mga residente ng nasabing barangay.

Nakumpiska sa mga suspect ang ibat-ibang gambling paraphernalia, mahjong table, mahjong set at bet money na nagkakahalaga ng P620 sa ibat-ibang denominasyon.

Ang nga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 11332, hindi pagsusuot ng face mask, pagsuway sa social distancing at PD 1602 as amended by RA 9287 (illegal gambling).

Sa San Narciso, Zambales naman, Kalaboso ang sinapit ng limang kalalakihan nang maaktuhan ng pulisya na nagiinuman sa Purok 1, Barangay La Paz.

Kinilala ng pulisya ang mga suspect na sina Jessie Palmarin, 35; Reynaldo Aranas, 49; Dominic Gruspe, 49; Felix Ancob Jr., 32; at Anthony Adalla, 18, pawanresidente ng Barangay La Paz.

Sa ulat ng pulisya bandang alas-5 ng hapon nang makatanggap sila ng tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen na may nagiinuman sa nasabing lugar at nang kanilang respondehan ay nahuli ang mga suspek sa aktong tumatagay ng alak.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa sa Municipal Ordinace No. 4, Series of 2020 (liquor ban).

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here