Home Headlines Social distancing sa pagdiriwang ng Eid al-Fitr

Social distancing sa pagdiriwang ng Eid al-Fitr

787
0
SHARE

Social distancing sa pagsa-Salah sa loob ng mosquengayong Eid al-Fitr. Kuha ni Rommel Ramos


LUNGSOD NG MALOLOS — Ilang Muslim ang pinayagang magtungo sa mosque sa Barangay Longos sa pagdiriwang ng Eid al-Fitr ngayong araw ang maingat na sumunod sa social distancing protocol.

Sinimulan nila sa pagsa-Salah ang pagdiriwang para sa pagtatapos ng kanilang isang buwang pagaayuno sa panahon ng Ramadan at nagkaroon din sila ng munting salo-salo.

Ayon kay retired Colonel Sahiron Salim, imam, batid nila ang mga patakaran sa modified enhanced community quarantine kayat ipinagdiwang nila ang araw na ito nang kakaunti lamang para masiguro nila ang social distancing.

Ang virus ay hindi dapat katakutan kung yun na ang kapalaran na binigay ni Allah at ang mga nakakarekober naman dito ay hindi pa nila oras, sabi ni Salim.

Aniya, kasama sa kanilang pagdarasal ang kahilingan kay Allah na matigil na ang pagkalat ng coronavirus sa mundo at makarecover ang lahat ng tinamaan nito.

Ipinaliwanang pa ni Salim na ang pagtatapos ng Ramadan ay bilang pasasalamat at pagbibigay pugay kay Allah para sa pag-gabay at sa lahat ng biyayang kanilang nakakamtan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here