Home Headlines ‘Angkas Pass’ sa motorsiklo aprobado sa Gapo

‘Angkas Pass’ sa motorsiklo aprobado sa Gapo

1192
0
SHARE

LUNGSOD NG OLONGAPO — Pwede nang magangkas sa mga motorsiklo sa lungsod na ito sa gitna ng general community quarantine.

Inilabas ni Mayor Rolen Paulino, Jr. nitong Huwebesang Executive Order No. 54, Series of 2020 na nagpapahintulot sa mga motorsiklo na maaari nang mag-angkas ng pasahero.

Batay sa nilalaman ng executive order, kinakailangan ng bawat nagmomotor ang Angkas Pass na makukuha sa Mayors Office matapos magsumite ng kopya ng divers license, OR/CR ng sasakyan, at certification mula sa barangay na nagpapatunay na ang driver at ang kanyang Designated Angkas ay nakatira sa iisang bahay. Maari ring magsumite ng dalawang pangalan bilang Designated Angkas.

Ang Angkas Pass ay para lamang sa mga residente ng Olongapo. Inilabas ito ng pamahalaang lungsod para masolusyunan ang problemang kinahaharap ng mga mamamayan sa transportasyon ngayong panahon ng pandemya.

Ani Paulino, ito ay isang reyalidad na hindi maiwasan ang paghahalubilo ng mga magkakamaganak  sa kanilang bahay kung kaya maaring payagan umangkas ang mga kasama sa bahay.

Nakasaad pa rin sa EO na ang Angkas Pass ay hindi kapalit ng Quarantine Pass na kailangan pa rin para makalabas o kaya ay Work Pass.

Batay sa EO., ang sino mang driver na mahuhuling may kaangkas sa motorsiklo ngunit walang Angkas Pass ay papatawan ng karampatang parusa na naayon sa batas at ordinansa ng lungsod.

Ang Angkas Pass ay applicable sa workrelated activity at access to essential needs such as food, medicine and medical services.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here