PINAKAMALAKING hamon ngayon sa Simbahang Katolika at sa pamilyang Pilipino ang Reproductive Health Bill (RHB).
Ito ay ayon na rin sa kanyang kamahalan, Obispo Pablo Virgilio David, sa kanyang paglilinaw na ang paninindigan ng simbahan ay paninindigan hindi lamang ng mga obispo at par kundi ng mga mag-anak na sumasalungat sa pagsasabatas sa kanilang tinaguriang “anti-life measure.”
Ang paninindigan laban sa RH Bill, anang obispo, ay bunsod na rin ng kamulatan ng mga pamilyang Pilipino sa kabanalan ng buhay.
Ani pa rin ni Amog Ambo: “Ang mga mamamayan na may ganitong kamulatan ang nanindigan: Bakit natin isusuko ang kapakanan, ang mismong karapatang mabuhay ng isang nilalang?”
Pulitika ang yumuyurak sa isyu ng moralidad na kaakibat ng RHB.
“Hindi namin makita kung bakit iginigiit nilang agenda ang population control. That is outdated now. Our population should be seen now for what it really is: the biggest resource of this country. We need to look at a big population not only as consumers but moreso as productive human resource,” saad pa rin ni Among Ambo sa isang panayam sa media.
“Right now, these politicians are blaming the Church, saying the blood is in our hands for the death of 11 women a day daw. Bakit kami ang at fault doon? Bakit hindi nila ayusin ang health care system? Why should the government spend more money for contraceptives and condoms than for basic medicines, health care and hospitals?” kontrang-hamon ng obispo.
Sa halip na i-kontrol ang populasyon, anang obispo, ang marapat gawin ng pamahalaan ay gawing produktibo o kapaki-pakinabang ang mga mamamayan.
Ang populasyon ay yaman ng bayan.
“Are they forgetting that what is saving our country now is the population? We could have been bankrupt a long time ago if not for the OFWs who are actually the excess population. Because they could not be employed here, they went abroad and are now providing the greatest support to our economy. We are indebted to them,” dagdag pa niya.
Tunay na ang mga OFWs – sa pamamagitan ng bilyon-bilyong dolyares na kanilang pinapadala sa kanilang mga mahal sa buhay – ang nagpapatibay sa ekonomiya ng Pilipinas, katibayan nito ang hindi gaanong pagka-apekto sa bansa ng gobal economic crunch nitong nakaraang tatlong taon na muntik nang magbangkarote sa maraming mga bansa, kasama na ang Amerika.
Ang mga panukalang ipapatupad ng RHB ay insulto sa mga magulang. Anang obispo: “Please do not insult parents. Like my parents gave birth to 13 children who turned out to be all productive citizens of this country, not one a liability. So, don’t they dare say they were irresponsible. I think we should question the logic of these pro-RHB advocates.”
Kaisa ako ng damdamin ng obispo sa aspetong ito. Anim ang aking mga anak, ang lima ay nakatapos na ng kolehiyo at may kani-kanya ng trabaho. Ang bunso na lamang ang nag-aaral. Binata naming mag-asawa ang pagpapalaki sa aming mga supling sa abot ng aming makakaya, sa patnubay na rin ng Maykapal. Responsible parenthood, ito ang aming pinanindigang pamamaraan.
Hindi lamang mistula, kundi aktuwal na laboratoryo ang Pilipinas sa pag-e-eksperimento ng mga mayayamang bansa.
Ayon kay Among Ambo: “The prescription for development from the first world countries has failed and now they are experimenting on us third world countries. Tayo lang mahihirap ang kinakaya-kaya nila, eh. It seems their line of thinking is to reduce poverty by reducing the poor. That is insulting. You reduce poverty by empowering the poor, employing them, educating them, and giving them a chance.”
Tunay ka, Among Ambo. Kung lilimiing mabuti ang tunay na nasa ng mga mayayamang bansa sa pagsugpo ng kahirapan, ito ang lalabas bilang kanilang solusyon: Alisin ang kahirapan, patayin lahat ang mahihirap.
Ibasura ang RHB!