Home Headlines Taunang Obando fertility dance tinuloy, quarantine protocol sinunod

Taunang Obando fertility dance tinuloy, quarantine protocol sinunod

1051
0
SHARE

Ang Banal na Misa at sayaw ng Pandanggo sa Ilaw sa loob ng simbahan habang naka on-line. Larawan mula sa Parokya ng San Pascual Baylon.



OBANDO, Bulacan — Isinagawa ang taunang fertility dance sa bayang ito nito
ng Mayo 17 hanggang 19 sa kabila ng pinapatupad na modified enhanced community quarantine.

Ayon kay Mayor Edwin Santos, kakaiba ang pagdiriwang ng kapistahan ngayong taon sa Obando dahil walang sayawan at musiko na ginawa sa kalsada.

Ngunit may ayos ang simbahan gaya ng mga bulaklak, ilaw at banderitas at kahit sarado sa publiko ang simbahan para magsimba, ipagdiriwang pa rin ang kapistahan sa pamamagitan ng on-line na mga Banal na Misa.

At ang fertility dance ay ginawa naman ng nasa 10 katao sa loob ng simbahan na may physical distancing at naka on-line pa rin. Habang ang mga nasa tahanan ay doon na lamang daw sumayaw ng pandanggo.

Kahit aniya hindi nagkita-kita ang mga mananampalataya sa kalsada ay nagkasama-sama sila sa kapistahan sa pamamagitan ng social media.

Ang taunang kapistahan na ito sa Obando ay pinagdiriwang ng tatlong araw para sa mga patron na sina San Pascual Baylon, Santa Clara ng Assisi, at Nuestra Senora de la Inmaculada Concepcion de Salambao sa paniniwalang magkaroon ng supling, asawa, bokasyon sa buhay relihiyoso, at matagumpay na hanapbuhay ang pagsasayaw ng Santa Clarang Pinung-pino, na isang matandang paraan ng panalangin. 

Ani Santos, walang mga turista na pinayagan na makadalo sa kapistahan at kanya-kanya na lang ng piging sa mga tahanan ang mga residente sa Obando dahil wala ding tumanggap ng bisita dahil sa umiiral na MECQ.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here