Home Headlines Covid-19 sa Cabanatuan: Zero death sa positive cases ngunit…

Covid-19 sa Cabanatuan: Zero death sa positive cases ngunit…

1939
0
SHARE

Patuloy ang paghihigpit ng lokal na pamahalaan ng Cabanatuan City sa mga lumalabas ng bahay, ilang araw bago ang inaasahang pagtatapos ng ECQ. Kuha ni Armand M.  Galang


LUNGSOD NG CABANATUAN – Nanatili sa 17 ang bilang ng mga positibo sa coronavirus disease sa lungsod na ito at walang naitatalang namatay mula sa naturamg bilang hanggang nitong Linggo, Mayo 10.

Ngunit batay sa datus ng Cabanatuan City Covid Watch, umaabot na sa 18 ang nasawi sa kategoryang suspect at anim naman sa probable.

Mula sa 17 na positive Covid patients ay 10 ang admitted pa sa pagamutan samantalang pito ang discharged o nakalabas na ng ospital, ayon pa rin sa datus nainilathala mg Cabanatuan City Information and Tourism Office (CITO).

Sa kabuuan ay 299 ang nasa kategoryamg suspect sa lungsod kung saan ay tatlo ang admitted, 23 ang home quarantine, 255  ang natapos na mg home quarantine at 18 nga ang binawian ng buhay.

Kabilang naman ang anim na pumanaw, umabot sa 32 ang napailalim sa kategoryang probable hanggang nitong Linggo sa lungsod na ito. Batay sa ulat, 15 rito ang nakatapos na ng home quarantine, siyam angsumasailalim pa sa home quarantine at dalawa angadmitted.

Samantala, patuloy ang pamamahagi ngayon ng localna pamahalaan ng ika-apat na round ng food assistance na kinabibilangan ng 10 kg ng bigas, de lata, noodles at gatas sa may 103,000 pamilya ng lungsod, ayon sa CITO.

Ito na ang pang-40 kg ng bigas na naibibigay ng siyudad sa mga residente simula nang ipatupad ang enhanced community quarantine bilang hakbang kontra sa Covid-19.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here