Ang burol ng biktimang si Richelle Maniego matapos sumupungin ng sakit na hika dahil sa init ng panahon.
LUNGSOD NG MALOLOS — Patay ang isang 22-anyos na dalaga matapos sumpungin ng hika dahil sa sobrang init ng panahon nitong Sabado.
Ang namatay ay si Richelle Maniego, 22, on-line seller, residente ng Barangay Bagna, may sakit na hika mula pa noong pagkabata.
Ayon kay Estrelita, ina ni Richelle, umaga pa lang ng Sabado nang dumaing ang anak na nahihirapang huminga matapos sumpungin ng ashtma dahil sa init.
May sarili naman daw ito na nebulizer kayat pansamantalang naginhawahan ngunit bandang hapon ay muling sumama ang pakiramdam ng anak at mas nahirapang huminga.
Agad nila itong sinugod sa pagamutan ngunit binawian din ng buhay.
Nagnegatibo naman ito nang kuhanan ng rapid test para sa Covid-19 at nakasaad sa death certificate nito na ashtma nga ang ikinamatay ng dalaga.