Home Headlines ‘New normal’ ipinatutupad sa bayan ng Samal

‘New normal’ ipinatutupad sa bayan ng Samal

909
0
SHARE

Mayor Aida Macalinao sa kanyang pamimigay ng gatas at vitamins sa mga bata. Kuha ni Ernie Esconde 



SAMAL, Bataan
Nanawagan ngayong Sabado ang punongbayan dito na patuloy na sundin ang kanilang ipinatutupad na ilang bahagi ng “new normal” para sa ikabubuti ng mga mamamayan sa nalalabing panahon ng enhanced community quarantine at makalipas man ito.

“Aming ipinakikiusap na sundin at makiisa sa ating kampanya upang makatulong tayo sa pagpigil ng pagkalat ng coronavirus disease,” panawagan ni Mayor Aida Macalinao habang namimigay ng tulong sa mga bata at matatanda.

Hinikayat niya ang lahat na pupunta sa alin mang tanggapan ng munisipyo na magdala ng sariling ballpen upang maiwasan ang paggamit ng panulat na ginamit na ng ibang tao.

Sundin, aniya, ang mga itinalagang pedestrian lane na maaari lang lakaran patungo sa mga essential basic providers at huwag kalilimutang dumaan sa mga nakatalagang foot bath areas.

Pinagdadala niya ng sariling payong o anumang proteksiyon sa init o ulan upang gamitin sa pagpila sa mga itinalagang safe boxes sa buong bayan bilang pagsunod sa physical distancing.

Nagtalaga rin ang munisipyo ng takdang parking areas ng mga sasakyan kabilang ang mga motorsiklo at tricycle upang hindi maging masikip ang Samal pubic market kung saan pansamantalang nakalagay ang mga tanggapan ng pamahalaang bayan.

Kasalukuyan pang ginagawa ang bagong malaking Samal municipal hall sa mismong plaza.

Ang mga ito, sabi ni Macalinao, ay ilan pa lamang sa panawagan nila na bahagi ng “moving forward to the new normal” ng kanilang bayan na binubuo ng 14 na barangay.

“Ugaliin natin na sundin ang schedule ng paggamit ng home quarantine pass at huwag kalilimutan ang social o physical distancing sa lahat ng oras,” sabi ng mayora.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here