Home Headlines Ulan na may yelo bumuhos sa Nueva Ecija

Ulan na may yelo bumuhos sa Nueva Ecija

1581
0
SHARE

Ipinakikita nina Fr. Arnold Abelardo at mga kasama sa Ang Saklay Center ang mga butil ng yelo na kasama ng buhos ng ulan. (FB photo)


LUNGSOD NG CABANATUAN— Pansamantalang naibsan ang labis na init o alinsangan dahil sa may isang oras na pag-ulan sa ilang bahagi ng Nueva Ecija, lalo sa gawing timog bandang alas-6 ng gabi nitong Biyernes.

Higit pang ikinatuwa ng mga residente ang mga butil ng yelo na kasama ng ulan.

Kabilang sina Fr. Arnold Abelardo at mga volunteer ng Ang Saklay Center sa bayan ng San Antonio sa nagpahayag ng magkahalong kasiyahan at pagtataka. Sinapo nila ang ilang bilog na mistulang butil ng yelo ng kanilang mga palad.

“At Saklay Center. Believe it or Not, its raining ICE and its cool. What is happening on Earth?” sabi ni Abelardo.

Higit na mahina at mabilis ang ulan sa lungsod na ito ngunit sapat na umano upang kahit paano’y maging presko ang gabi, ayon sa mga netizen.

Sa ulat ng PAGASA, naitala ang pinakamainit na panahon sa Nueva Ecija sa 46C ganap na ika-2 ng hapon sa Science City of Muñoz nitong Biyernes.

Mistulang hugot naman sa natatanggap na relief goods ngayong panahon ng enhanced community quarantineang komento ni Umeng Puno, residente ng lungsod na ito.

bakit po ganun ang ibinigay na ulan sa cabanatuan kagabi? budang hina, pinili lang po yata yung mga bayan na binigyan po ng malakas na ulan? samantalang sa iba nga pong bayan ay may yelo pang kasama. may piliian din po ba ng ayuda sa ulan?” sabi ni Puno sa kanyang social media post.

Ang mga residente ng Cabanatuan City ay nakatanggap na ng 40 kilo ng bigas, isang dressed chicken, sardinas, noodles, at mga sachet ng gatas mula sa pamahalaang lungsod. Bukod ito sa 10 kilo ng bigas at groceries mula sa personal na pondo ni 3rd District Rep. Rosanna Vergara at kanyang mister na si Vice Mayor Julius Cesar Vergara.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here