Home Headlines Covid-19 sa Bulacan: 8-y/o girl positibo, 83-y/o babae patay

Covid-19 sa Bulacan: 8-y/o girl positibo, 83-y/o babae patay

1432
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS — Isang 8-anyos na batang babae mula sa bayan ng Sta. Maria ang nagpositibo sa coronavirus batay sa pinakahuling talaan ng Bulacan Provincial Health Office.

Ayon kay Dr. Joy Gomez, provincial health officer, ang 8-anyos na bata ay unang nadetect na may sakit na dengue noong Abril 9 ngunit makaraan ang dalawang araw ay sumakit ang lalamunan nito at nang i-swab test ay nagpositibo ito sa Covid-19.

Sa ngayon ay nailabas na ng pagamutan ang bata matapos maging asymptomatic at kasalukuyang naka-home quarantine habang hinihintay ang resulta ng ikalawang Covid-19 testing.

Ngunit patay naman sa corona virus ang isang 83-anyos na babae mula sa Malolos na na-confine sa isang pagamutan sa Quezon City.

Samantala, isa pang 64-anyos na babae na mula naman sa bayan ng Bocaue ang nagpositibo din sa corona virus kayat sa kasalukuyan ay nasa 123 na ang mga kaso ng nagpositibo sa lalawigan.

Ayon pa kay Gomez, nakarekober naman sa sakit sina PH178, PH2502, at PH4169 na mula sa bayan ng Marilao, PH454 mula sa San Jose Del Monte, at PH753 mula sa Meycauyan.

Sa kasalukuyan ay nasa 151 naman ang naitatala na probable cases at 831 ang suspect cases dito.

Ani Gomez, dumating na ang 1,428 PCR Covid-19 test kit mula sa Philippine National Red Cross na gagamitin sa mga frontliners sa lalawigan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here