Home Headlines Covid-19 sa Bataan: 102 confirmed cases

Covid-19 sa Bataan: 102 confirmed cases

710
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGAIniulat ng provincial health office Martes ng hapon na may anim na panibagong kumpirmadong kaso ng coronavirus disease sa Bataan kaya umakyat ang bilang sa 102 mula sa 96 Lunes ng gabi.

Sinabi ni Gov. Albert Garcia na sa anim na pasyente, lima ang health workers ng Bataan General Hospital and Medical Center (BGHC) sa lungsod na ito.

Ang mga ito ay 28-anyos na babae at 45-anyos na lalaki mula Pilar, 30-anyos na babae mula Samal, at 28-anyos na babae at 31-anyos na lalaki ng Balanga City.

Ang pang-anim ay babae na 67 taong gulang, kauna-unahang kaso sa Dinalupihan. Siya’y naka-confine sa BGHMC.

Nananatili sa 22 ang bilang ng naka-rekober at apat ang patay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here