LUNGSOD NG MALOLOS — Tatlo ang naitalang nakarekober dito mula sa sakit na corona virus.
Ayon sa pinakahuling tala ng Bulacan Provincial Health Office, nakarekober mula sa sakit na Covid-19 sina PH5072 at PH5048 na kapwa mula sa bayan ng Pandi at si PH329 na mula naman sa bayan ng Bulakan.
Sa kabuuan sa kasalukuyan ay 30 na ang bilang ng mga naitala na nakarekober mula sa Covid-19 sa lalawigan.
Samantala, isa naman ang naiulat na namatay dahil sa naturang sakit at ito ay ang isang 56–anyos na lalake mula sa bayan ng Baliwag, kaya’t umakyat na sa 25 ang bilang ng mga namatay.
Sa ngayon ang lalawigan ay may kabuuang 121 positive cases nang madagdag sa listahan ang isang 23-anyos na lalake mula sa bayan ng Marilao, isang 22-anyos na babae mula sa Pandi at isang 56-anyos na lalake mula sa Baliwag.
Habang nasa 151 naman ang probable cases at 831 suspect cases.