Home Headlines Covid-19 sa Bulacan: Infection Control Center binuksan na

Covid-19 sa Bulacan: Infection Control Center binuksan na

1225
0
SHARE

Bukas 24 oras ang Infection Control Center.



LUNGSOD NG MALOLOS — 
Binuksan na ang Infection Control Center ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na matatagpuan sa Bulacan Capitol Compound kung saan tatanggapin ang mga pasyente ng pinaghihinalaang may Covid-19.

Ang nasabing pagamutan ayon kay Gov. Daniel Fernando ay nakabukas ng 24-oras para sa mga kaso ng Covid-19. Ito ay may 100-bed capacity na airconditioned rooms.

Handa na ang mga kama sa mga pasyente. Kuha ni Rommel Ramos

Kabuuang 30 doctors at 54 nurses naman ang idedestino dito na may skeleton-staff schedules.

Ayon pa kay Fernando, bukod sa mga pasyente ay may mga inilaan din ditong mga kwarto para maging holding area ng mga frontliners.

Aniya, ang mga pasyenteng may katamtamang kaso, suspect, probable at may kumpirmadong kaso ng Covid-19 ay ilalagay sa ikatlong palapag; dagdag na 50 Covid-19 patients naman na may malubha at kritikal na kondisyon gayundin ang 10 kama para sa intensive care units at apat na dialysis machines sa ikalawang palapag.

Nasa unang palapag naman ang emergency room, triage, X-ray, at laboratory.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here