Home Headlines ‘Frontliners’ timbog sa ECQ checkpoint, P800-K shabu kumpiskado

‘Frontliners’ timbog sa ECQ checkpoint, P800-K shabu kumpiskado

1648
0
SHARE

Ang mga palsipikadong frontliners sa presinto. Kuha ni Rommel Ramos



GUIGUINTO, Bulacan — 
Naaresto sa quarantine checkpoint sa Barangay Sta. Rita ang tatlong kalalakihan na nagpakilalang mga frontliners mataposna masabat sa kanila ang mahigit P800,000 halaga ng hinihinalang shabu.

Nakilala ang mga suspect na si Julius Francisco, 39, ng Barangay Malis at ang mag-amang sina Andres Marcolita, 49, at Roy Aldrin Marcolita, 22, kapwa residente ng Barangay Tabe.

Ayon kay Maj. Rolando Geronimo, hepe ng Guiguinto PNP, nang parahin nila ang sasakyan ng mga suspek sa checkpoint ay agad na nag-offer ang mga ito ng pagkain at sinabing mga frontliners din sila.

Ngunit nang hanapan sila ng I.D. bilang frontlinerswalang naipakita ang mga ito at napansin si Francisco na may inihagis na plastic sachet sa loob ng sasakyan.

Dahil dito ay agad na ininspeksyon ng kapulisan ang sasakyan ng mga suspek at nakuha sa kanila ang 135gramo ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Ayon sa PNP, si Francisco ay dati nang nakulong at ang grupo nito ay notoryus na tulak ng droga sa naturang lugar.

Inamin naman ni Francisco na sangkot nga siya sa kalakaran ng droga para kumita at ngayon ay makukulong na naman siya.

Habang hindi naman daw alam ni Marcolita na sangkot sa ilegal na droga si Francisco.

Ang mga suspek ay kasalukuyang ng nakaditene sa Guiguinto Police station at sasampahan ng mga kaukulang kaso.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here