Home Headlines Covid-19 sa Bulacan: Recoveries umakyat sa 12

Covid-19 sa Bulacan: Recoveries umakyat sa 12

655
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS — Umakyat na sa 12 ang bilang ng mga pasyente na naka-recover mula sa sakit na Covid-19 sa lalawigan ng Bulacan.

Ayon sa pinakahuling ulat ng Bulacan Provincial Health Office, anim ang nadagdag sa bilang ng mga pasyenteng gumaling mula sa naturang sakit na sina: PH116 mula sa Guiguinto, PH423 mula sa Bulakan, PH113 mula sa Malolos, PH190 mula sa Marilao, PH1873 at PH3102 mula sa Pulilan.

Kinumpirma ni Dr. Wilbert Eleria, Pulilan municipal health officer, na sina PH1873 at PH3102 na dalawa sa nagpositibo sa corona virus sa kanilang bayan ang naka-recover na sa naturang sakit.

Ito ay ang mag-ama na isang 75anyos at isang 40anyos na na-discharged na sa pagamutan noong April 9 matapos magnegatibo sa sakit noong April 8.

Sila ay nagpositibo sa virus noong March 28 at na-confine sa Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital at kahapon ay nakatapos na rin ng panibagong 14-day period ng quarantine sa kanilang isolation area.

Ang naturang mag-ama ay may travel history at pinaniniwalaang sa ibang bansa nakuha ang naturang sakit.

SIla ay patuloy pa rin na imo-monitor ng MHO sa loob ng panibagong pitong araw upang masiguro pa na fully recovered na ang mga ito.

Samantala, ayon pa rin sa ulat ng Bulacan PHO, 104 ang bilang ng positive sa Covid-19 at 24 ang naitalang namatay, habang 184 ang probable cases, at 443 ang suspect cases.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here