Home Headlines Viral sa socmed: Pulis, misis namigay ng sariling gawang face shield

Viral sa socmed: Pulis, misis namigay ng sariling gawang face shield

854
0
SHARE

Ang mag-asawang Roxas habang gumagawa ng mga face shield. Kuha ni Rommel Ramos



BOCAUE
, Bulacan — Viral sa social media ang mag-asawa na namimigay sa mga frontliners ng sarili nilang gawang face shields at ear saver sa gitna ng Covid-19 crisis.

Ang mag-asawa ay kinilalang sina Police Senior Master Sergeant Roel Roxas ng Bocaue Police Station at Rochelle Roxas, empleyado sa Office of the President-Malacañang Records, residente ng Barangay Sulucan dito.

Si Rochelle ang may idea na gumawa ng mga faceshield dahil nakita niya ang kakulangan nito lalo na sa mga frontliners.

Kayat matapos naman ang duty ni Roel mula sa himpilan ng pulisya ay tinutulungan naman nito ang kanyang maybahay na gumawa ng face shield at ear saver na ipamimigay sa mga frontliners.

Naging bonding pa daw ngayon ng mag-asawa ang paggawa nito at hindi namamalayan na tumatakbo angmga oras sa paggawa nito.

Sa kanilang mga gawang face shields ay nakalagay ang “we heal as one” bilang simbolo ng paglaban ng mga Pinoy sa virus.

Dahil hindi lumuluwas sa ngayon si Rochelle para pumasok sa kanilang opisina dahil sa Luzon lockdown at nasa skeletal work force naman ang kanilang departamento ay ibinuhos na lamang niya ang kanyang oras para tumulong sa frontliners.

Pamamahagi ng face shield sa mga frontliners sa barangay.

Sa katunayan, ang gawa ng mag-asawa na face shields at ear saver ay nakarating na hanggang sa bansang Oman na hiningi ng kanilang mga kaibigang pumunta sa naturang bansa.

Nakarating na rin ang kanilang gawa para sa mga medical frontliners sa mga ospital sa Baliwag at Balagtas at maging sa mga checkpoint sa mga bayan ng Bocaue at Valenzuela.

Dahil dito ay bumuhos ang pasasalamat ng publiko sa mag-asawa sa social media.

Isa naman sa barangay na nagpapasalamat sa mag-asawa ay ang kanilang sariling.

Ayon kay barangay deputy Philip Pineda, malaking tulong sa kanila ang mga ibinigay na face shield at ear saver ng mag-asawa.

Nakakataba aniya ng puso na maalala sila at matulungan bilang mga frontliners sa barangay.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here