Si dating Bataan Congressman Tong Payumo kasama si Manila Mayor Isko Moreno
ORANI, Bataan – Nagpakatay ng 15 baboy at naghanda ng bigas si dating Bataan Congressman Felicito “Tong” Payumo upang ipamigay sa mahihirap na residente ng dalawang barangay sa bayang ito ngayong Sabado.
Sinabi ni Payumo na ang mga baboy ay mula sa kanyang babuyan sa Hermosa, Bataan samantalang ang bigas ay binili niya sa halagang P100,000.
Nagtulong-tulong ang ilan niyang mga tauhan upang katayin ang mga baboy at i–pack ang mga bigas na ipinamahagi sa mahihirap na residente ng Pag-asa at Tala, dalawang bulubunduking barangay sa Orani.
Masayang-masaya si Payumo dahil kakakatay pa lamang ng mga baboy ay nanganak naman ang isang inahin kaya napalitan agad ang ginawang karne.
Si Payumo ay dating chairman ng Subic Bay Metropolitan Authority at Bases Conversion Development Authority. Abala siya sa pamamahala sa napakagandang Sinagtala Nature Park and Resort sa barangay Tala.
Tuwang-tuwa naman ang mga tao dahil may bigas na may masarap na ulam pa sila sa panahon ng enhanced community quarantine.
(Contributed photos)