Home Lifestyle Kakaibang face masks inirampa

Kakaibang face masks inirampa

2242
0
SHARE

SAMAL, BataanDahil ipinagbabawal ang mga pagtitipon  sa panahong umiiral ang enhanced community quarantine, Isang part-time party host angpinawi ang pagkainip at waring rumampa sa kanilang bahay sa bayang ito suot ang iba-ibang face mask.

Gumawa si Ritzboy Moraga, 27, birthday sa Sabado, ng Barangay Calaguiman East, ng 12 masks at isa-isa niya itong isinuot, kinunan ng video, at in-upload sa social  media.

Pinangalanan niya ang kanyang mga “creation” na peacockdesign mask, capiz mask, white feather mask, blue and red ribbon mask, flower hat and beaded diamond mask, heart made of buttons with light mask, big black ribbon mask, hand of Christinspired mask, succulent springinspired mask, beaded diamonds mask, banca with roof-inspired mask, at brideinspired mask.

Ayon kay Moraga, tipikal na mask ang gamit niya na nilalagyan niya ng iba-ibang design gawa sa feathers, flowers, at mga bato.

Sa tanong kung bakit niya naisipang gawin ang mga ito, sinabi ni Moraga na “Unang-una dahil sa inip dulot ng quarantine,  para makapagbigay-aliw na din sa mga netizens at ma-engganyo ang lahat na magsuot ng mask na importante ngayon.”

“Sana naaaliw ang mga tao sa aking outrageous masks, dagdag pa nito.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here