Home Headlines Bagong gusali ng Bulacan Med gagawing centralized quarantine facility sa PUIs

Bagong gusali ng Bulacan Med gagawing centralized quarantine facility sa PUIs

1564
0
SHARE

Bulacan Medical Center extension building. Kuha ni Rommel Ramos



LUNGSOD NG MALOLOS — Gagamitin bilang centralized quarantine facility para sa mga suspected C
ovid-19 patients ang bagong gawang extension building ng Bulacan Medical Center.

Ito ay may sukat na 5,800 metro kwadrado na tatlong palapag na gusali na malapit sa Bulacan Provincial Capitol building at kayang tumanggap ng 250 na mga pasyente. 

Ayon kay Gov. Daniel Fernando, ang centralized quarantine facility ay magsisimulang tumanggap ng mga pasyente sa sandaling dumating na ang mga supply at kagamitang pang medikal.

Sa sandali na gamitin na ang pasilidad ang mga persons under investigation na dadalhin dito ay tatanggapin nang walang bayad.

Ani Fernando, mas makabubuti kung ang mga PUI at mga persons under monitoring ay mapagsasama-sama sa isang quarantine facility para makaiwas sa pagkalat ng virus sa komunidad.

Sa ganito aniyang paraan ay mapapababa ang bilang ng mga nagkakaroon ng Covid-19 sa lalawigan at nanawagan sa publiko na sumunod sa mga protocol.

Paalala rin niya na manatili sa kanya-kanyang tahanan, dalasan ang paghuhugas ng kamay, sundin ang social distancing, at umiwas sa mga matataong lugar upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here