Home Headlines Pabasa, pagpapako, penitensiya ipinagbawal sa Paombong

Pabasa, pagpapako, penitensiya ipinagbawal sa Paombong

1504
0
SHARE

Lumang litrato ng pagpapako sa Kapitangan. Mula Facebook



PAOMBONG
, Bulacan — Sa paparating na Semana Santa ay ipinagbawal muna ang pagpapako sa krus, penitensiya at pagbasa ng Pasyon sa Barangay Kapitangan dahil sa pinaiiral na enhanced community quarantine.

Paliwanag ni Danny Medina, namamahala sa bisita ng nasabing barangay, wala munang magaganap sataunang pagpapako sa krus, penitensiya at maging pabasa ng Pasyon sa kanilang lugar.

Mahalaga kasi, aniya, ang kaligtasan ng publiko laban sa sakit na Covid-19 kayat sinuspinde muna ang taunang pagpapanata.

Kinakailangan aniyang sumunod sa ECQ at hinihikayat nila ang mga mananampalataya na magdasal na lamang sa kani-kanilang mga tahanan.

Mananatiling sarado ang bisita ng Kapitangan at walang pauunlakan na mga deboto o turista para magsasagawa ng kanilang taunang pamamanata.

Humihingi sila ng paumanhin sa mga deboto na unawain sila sa umiiral na ECQ na iniiwasan ang mga pagtitipon ng maraming tao.

Ang Barangay Kapitangan ay taunang dinarayo ng mga deboto at maging mga banyagang turista dahil sa tradisyon ng Mahal na Araw gaya ng penitensya, pagbasa ng Pasyon, pagpapapako sa krus, at paghugas ng agua colognia sa Poon ng Sto. Cristo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here