Home Headlines Bayanihan nagniningning sa gitna ng Covid-19

Bayanihan nagniningning sa gitna ng Covid-19

1410
0
SHARE

Ilan sa mga nakatanggap ng support packs mula kay Manong Darrel Morales. Contributed photo


 

CABANATUAN CITY – Simula nang ipatupad ang enhanced community quarantine sa Luzon, halos araw-araw na dinadalaw ni Manong Darrel Morales ang mga frontliners sa iba’t ibang lugar sa Nueva Ecija upang bahaginan sila ng face masks, vitamins at alcohol.

“Nagsasakripisyo sila para sa kaligtasan ng lahat kaya marapat lamang ipadama sa kanila ang ating pasasalamat at pagmamahal,” sabi ni Morales.

Nitong Biyernes ay sinimulan niya ang pamamahagi ng pitong kilong bigas kada pamilya para sa 500 pamilya sa lungsod na ito at kanugnog na bayan ng Santa Rosa.

“Hindi sapat, pero makakatulong kahit paano na makasurvive, aniya.

Si Morales na miyembro ng Knights of Columbus ay isa sa mga pribadong indibiduwal na katulad ng maraming iba pa ay muling nagpaningnong sa diwa ng bayanihan at charity sa tuwing may kalamidad, katulad ng kasalakuyang paglaban ng bansa sa coronavirus disease.

Ang pamilya nina G. Alvin Magtalas ng Barangay Cabu ng lungsod na ito ay 10,000 slices na banana cake ang inihanda at ipinamahagi sa mga frontliners.

Binahaginan rin nila ang mga kabarangay na kinailangang mamalagi sa kani-kanilang tahanan dahil sa ECQ.

Ang Vanguard Radio Network ay nagpamigay rin ng tinapay sa mga frontliners sa lungsod na ito bilang bahagi ng kanilang pakikiisa at pagpapakita ng suporta sa kanila.

Nitong Sabado, ipinahayag ng pamahalaang lungsod ng Cabanatuan ang pasasalamat sa pribadong pamantasan Wesleyan University Philippines at state-run Nueva Ecija University of the Science and Technology sa pagtugon sa kahilingan ng gobyerno na ipagamit ang kanilang pasilidad para sa posibleng pangangailangan ng “isolation.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here