Home Headlines Pagsasaka sa Ecija tuloy sa gitna ng ECQ

Pagsasaka sa Ecija tuloy sa gitna ng ECQ

1234
0
SHARE

Pag-ani sa gitna ng ECQ. Kuha ni Armand M. Galang



CABANATUAN CITY – Patuloy ang ilang magsasaka sa Nueva Ecija sa kanilang gawain ngayong panhon ng anihan sa gitna ng umiiral na
enhanced community quarantine sa Luzon dahil sa coronavirus disease.

Isa na rito si Pepito Garcia, residente ng Barangay Bangad ng lungsod na ito, na nagpapaani sa kanyang dalawang ektaryang palayan nitong Biyernes.

Ayon sa kanya, hindi maaaring tumigil sa gawain parasa kapakanan ng pamilya at ng mga tao na umaasa sa produkto nilang mga magsasaka.

Ngunot sinusunod raw niya ang health protocol na ipinatutupad ng pamahalaan sa ilalim ng ECQ at state of public health emergency.

Ang sektor ng akrikultura ay kabilang sa mga pinahihintulutan na lumabas basta may quarantine pass o katibayan, batay sa guidelines ng inter agency task force.

“Hindi puwedeng tumigil dahil paano na ang pagkain ng ating mga kababayan,”  paliwanag ni Garcia.

Umaasa si Garcia na mabebebta naman sa magandang halaga ang kanyang ani.

Sa ngayon ay pawang ahente palamang ang nakikipag-usap sa kanya kaya wala pang katiyakan ang presyo ng kanyang produkto. 

 Bago idineklara ang ECQ ay nasa P15 hanggang P17 kada kilo ang bilihan ng palay sa iba’t ibang lugar sa Nueva Ecija.

Ngunit ilang negosyante ng palay ang dumadaing na apektado ang kanilang biyahe sa mga quarantine checkpoint. 

Bilang aksiyon, ang Department of Agriculture ay nagbibigay ngayon ng pases para sa pagbibiyahe ng produktong agrikultural.

“Balita ko ay tumataas-taas naman (ang presyo),” sabi ni Garcia.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here