Home Headlines Libreng alcohol refilling station ikinalat

Libreng alcohol refilling station ikinalat

1490
0
SHARE

SAN ILDEFONSO, Bulacan —Ikinalat ang mga libreng alcohol refilling station sa mga dulong barangay dito para maiwasan ang pagkalat ng Covid-19.

Layunin nito na hindi na dumayo pa ng kabayanan ang mga residente na nakatira mula sa mga malalayo at bulubunduking bahagi ng San Ildefonso para lamang bumili ng alcohol.

Ayon kay Roberto Valdizno, MDRRMO officer, pahirapan kasi ang pagbili ng alcohol ngayon at abala pa sa mga residente kung aahon pa ng kabayanan ngunit malaunan ay wala pa ring mabibili sa mga botika at mga supermarket.

Nais nila na makalayo sa coronavirus ang mga residente sa kanilang bayan kayat nauna nang ikinalat sa malalayong lugar ang mga alcohol refilling stations.

Bukod doon ay namigay na rin sila ng mga food packs sa ilang mga taga-barangay.

Target ng pamahalaang bayan na malagyan ng mga alcohol refilling station ang kabuuang 27 barangay ng San Ildefonso.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here