Home Headlines 2 Covid-19 cases, barangay ni-lockdown

2 Covid-19 cases, barangay ni-lockdown

1053
0
SHARE

GAPAN CITY – Malungkot na ibinalita ni Mayor Emesson Pascual nitong Biyernes na dalawanng babae mula sa lungsod na ito ang nag-positibo sa kinatatakutang Covid-19, batay sa resulta ng pagsusuri  na ipinaabot ng Department of Health.

Ayon sa alkalde, ang mga pasyente ay magkapatid na babae na 62 at 65 taong gulang.

“Ikinalulungkot kong ibalita sa ating lahat na yung pinapangarap natin na matapos ang krisis na ito sa coronavirus na ito na walang mag-positive sa atin sa Gapan pero nangyari na po, dalawa po ang positive,” sabi ni Pascual sa kanyang video message sa kanyang mga kalungsod.

Ayon sa alkalde, Marso 16 nang ma-confine sa ospital ang mga pasyente at inilabas pagkalibas ng ilang araw dahil sa magandang kalagayan. 

“Nasa strict home quarantine po talaga sila, talagang mga disente po itong pamilyang ito, matitinong tao sa lungsod ng Gapan,” dagdag pa niya.

Maayos ang kalusugan ng mga ito sa ngayon subalit “still positive po sila,” paliwanag ni Pascual. 

Kaugnay nito, hinikayat ni Pascual ang kanyang mga kababayan na magtulong-tulong upang sana ay hindi na magdagdagan ang dalawang pasyente: “At sana,walang mamamatay dito sa Gapan dahil sa sakit na yan.

Ipinahayag niya na isasailalim na sa lockdown ang Barangay Balwarte kung saan nagmula ang nga pasyente. “Para hindi na kumalat ‘yan,” aniya kasabay ng paliwanag na ang pagla-lockdown sa isang barangay  ay isasagawa kapag may dalawang kaso ng Covid-19 positive alinsunod sa guidelines ng inter-agency task force.

“Paninindigan natin, ilang raw langnaman ito,” determinado niyang pahayag.

Ang dalawang pasyente dito ay nagtaas sa anim na confirmed Covid-19 cases sa Nueva Ecija.

Samantala, ang pamahalaang lungsod sa pangunguna ni Pascual ay nagkakaloob ng isang bultong bigas sa bawat sambahayan bilang food assistance sa mga residente ngayong umiiral ang enhance community quarantine .  

Karagdagan dito ay buhay na manok at mga itlog, ayon sa report. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here