Home Headlines Bulacan isinailalim na sa state of calamity

Bulacan isinailalim na sa state of calamity

905
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS Idineklara na ngayong araw, Marso 19, ang state of calamity sa lalawigan ng Bulacan kasunod ng naunang deklarasyon ng Pangulong Duterte sa buong bansa dahil sa paglaganap ng Covid-19.

Ayon kay Gov. Daniel Fernando, idineklara ang state of calamity sa lalawigan para matugunan ang mga pangangailangan ng mga Bulakenyo dahil sa ipinapatupad na enhanced community quarantine.

Aniya, hindi lahat ng calamity fund ay gagamitin nila sa ngayon dahil hindi maiiwasan na baka magkaroon pa ng ibang kalamidad bago matapos ang taon gaya ng bagyo o lindol.

Ang ilalabas na calamity fund ay ilalaan daw niya sa pagbili ng mga medical equipment na magagamit ng mga medical personnel sa mga pampublikong ospital sa lalawigan.

Habang ang ipangbibili ng mga relief goods para sa mga mahihirap na mamamayan gaya ng sa 4P’s ay kukuhanin niya mula sa preparedness funds at savings ng Kapitolyo.

Nangako din si Fernando na magkakaroon ng sweldo ang mga job orders ng pamahalaang panlalawigan na apektado din sa gitna ng krisis sa kalusugan.

Sinabi rin niya na magkakaroon ng mga sariling quarantine area ang bawat bayan sa lalawigan batay sa napagkasunduan nila ng mga LGUs dito.

Ipinayo rin niya sa mga Bulakenyo na maari din naman na maghome quarantine ngunit nasa ilalim pa rin ng monitoring ng mga kagawad ng Department of Health.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here