Home Headlines Palengke dinagsa sa kabila ng ECQ

Palengke dinagsa sa kabila ng ECQ

639
0
SHARE

Siksikan pa rin ang mga mamimili sa Pamilihang Bayan ng Balagtas, Bulacan sa kabila ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine. Hindi lahat ng nagpupunta dito ay nakasuot ng facemask at hindi rin nagagawa ang social distancing sa kabila ng mga tagubilin ng gobyerno para malabanan amg pagkalat ng corona virus. (Rommel Ramos)


BALAGTAS, Bulacan — Dagsa ang mga mamimili sa Pamilihang Bayan dito sa kabila ng pagdedeklara ng Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon dahil sa kumakalat na Covid-19.

Dahil sa dami ng mga mamimili hindi na rin napapatupad ang social distancing at dikit-dikit ang mga tao sa nasabing palengke.

May mga mamimili kasi na napipilitan na mamalengke ng marami dahil nadagdagan ang mga nakatira sa kanilang bahay dahil sa mga ipinapatupad na hakbang ng pamahalaan laban sa corona virus gaya ni Pamela Miranda.

Aniya, umuwi kasi sa kanila ang mga kapatid na dating nakatira sa Maynila kayat sama-sama sila ngayon sa kanilang bahay sa Bulacan.

Dito daw muna sa kanila mananatili ang mga ito kasama ang pamilya hanggang hindi natatapos ang pinapatupad na lock down doon.

Samantala, si Ogie Pariñas ay naniniguro naman na maraming stock ng pagkain para sa kanyang pamilya habang pinapatupad ang quarantine habang si Ely De Jesus naman ay bumili ng mga saging dahil sa paniniwalang ito ang pangontra sa virus.

Naging triple rin ang bentahan ng bigas ngayon na ayon sa tindero ng bigas na si Edwin Tendido ay dating 10 kaban anh kanyang naibebenta kada araw ngunit ngayon ay umakyat ito sa 30 kaban na.

Aniya, marami kasi ang nag-stock sa kanilang mga tahanan ng bigas dahil nag-aalala sa pinapatupad na lock down.

Mapapansin din na dagsa ang mga tao sa isang supermarket dito at maramihan ang kanilang pinamili na panimbak na mga pagkain.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here