Home Opinion Serbisyo ng ‘San Simon Water Works,’ bulok

Serbisyo ng ‘San Simon Water Works,’ bulok

1722
0
SHARE

JUNE 30, 2010 nang aking isulat
Ang hinggil sa klaseng serbisyong di dapat
Ipagpatuloy pa r’yan ng may hawak
Ng aguas potables na di de kalidad

Dahil sa uri nga ng serbisyong mayrun
Itong ‘water works’ na ating paksa ngayon,
Liban sa suplay ng tubig di ‘potable,’
Ang tulo ng gripo ay pasumpung-sumpong.

Na ang kasabihan d’yan ng matatanda
Ay mabilis pa ang ihi ng palaka
Kung sumirit kaysa tubig na ika nga
Sa linya ng tubo mismo nagmumula.

Kaya’t kadalasan itong tubong plastik,
Na karaniwan nang ngayo’y ginagamit
Ay napakadaling sirain ng buwisit,
Kapagka’ bumilis ang daloy ng tubig.

Ano’t di magawan ng akmang soluyon
Na mai-regulate itong tamang daloy
Ng suplay ng tubig na inirarasyon
Sa mga consumers, sa buong maghapon?

Na karaniwan nang sa gabi nga lamang
Maasahang ang tulo may kalakasan,
Mula’t sapol na ito ay itayo riyan
Nitong kung sino r’yan na may-aring tunay!

At ang isa pa r’yang di kanais-nais
Ay itong may tiempong marumi ang tubig
Na isinu-suplay nito sa consumers,
Na ang kaakibat posibleng panganib.

Katwiran yata ng kanilang tanggapan,
Partikular sa puntong di makaya n’yan
Na ma-’regulate’ ang daloy ng naturang
‘Pressure’ ng tubig ay Pelco ang dahilan?

Bunsod ng diumano nitong hindi yata
Sapat ang suplay ng kuryente kung kaya,
Di nila makayang mai-’regulate’ nga
Ang ‘pressure’ ng tubig, (na aywan kung tama)

Na ikatuwiran ng naturang ‘water works,’
Itong kung kaya di n’yan maisa-ayos
Ang daloy ng tubig ay Pelco ang sagot?
Yan sa ganang akin ay katwirang bulok.

Pagkat kung talagang ‘power’ ang dahilan
Nitong di pagiging ayos ng ‘performance,’
Bakit di gumawa ng kaparaanan
Ang may-ari upang ya’y masolusyunan?

At gawin ang nararapat na serbisyo
Sa mga ‘consumers’ na nagrereklamo,
At di katulad n’yang bugbog na siguro
Sa mura pati ang kawawang empleyado;

Na siyang humaharap sa mga ‘consumer,’
Partikular itong mga taga-singil
Ng ‘bill’ na sila ang lagi at palaging
Kumbaga sa gyera ang nasa ‘fi ring line’.

Kung di n’yo talagang maisa-ayos yan,
Isuko na ninyo kay Mayor Punsalan,
At munisipyo na ang magpatakbo r’yan
Upang mapabuti ang serbisyong bayan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here