Home Headlines Bunsod ng kawalan ng irigasyon, magsasaka nagtanim lang ng gulay

Bunsod ng kawalan ng irigasyon, magsasaka nagtanim lang ng gulay

1691
0
SHARE

Upo, patola, ampalaya, sili, kalabasa at talong sa halip na palay ang itinanim ngayon ng ilang magsasaka sa Barangay Santor sa Malolos City. Kuha ni Rommel Ramos


LUNGSOD NG MALOLOS — Gulay sa halip na palay ang itinanim ngayon ng ilang magsasaka sa Barangay Santor dahil sa kawalan ng supply ng irigasyon mula sa Angat Dam.

Sa kalatas na inilabas ng National Irrigation Administration nitongEnero 9 Enero pinabatid sa mga magsasaka na hindi mapapadaluyan ng irigasyon ang mga palayan na nasasakupan ng south zone ng Bulacan.

Hindi daw kasi naibigay ng National Water Reaources Board ang hiling ng mga magsasaka na 30 cubic meter per seconf (cms) na tubig at sa halip ay 20 cms lang ang maibibigay nito na padadaluyin sa bahagi ng north zone area ng Bulacan dahil sa mababang level ng tubig ngayon sa Angat Dam.

Nagbigay ito ng lungkot ang mga magsasaka na nasa south zone ng Bulacan dahil walang papadaluyin na tubig sa kanila kayat hindi na sila makakapagtanim ng palay ngayong dry season.

Ayon sa magsasakang si Cerilo Pagtalunan, hindi siya makakapagtanim ng palay ngayon dahil walang tubig sa kanilang irigasyon at para hindi masayang ang panahon ay nagtanim na lang siya ng mga gulay at sa ginawa niyang balon siya kukuha ng tubig pandilig nito.

Aniya, mali na hindi sila bigyan ng NIA ng irigasyon dahil sa taga Bulacan sila na dapat ay prayoridad mula sa supply na tubig ng Angat Dam.

Noong nakaraang taon aniya ay bumaba pa sa 180 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam ngunit napadaluyan naman sila.

Umaasa sila na kahit papaano ay makakuha sila ng kaunting panggastos sa bahay sa pagtatanim nila ng gulay.

Panawagan niya sa NIA na kahit sana sa buwan ng Marso ay mabigyan sila ng tubig para kahit papaano ay makapagtanim pa sila.

Samantala, ang ibang magsasaka naman ay wala nang balak magtanim gulay man o palay.

Ayon kay Melencio Domingo, pangulo ng mga magsasaka sa Barangay Santor, hindi na siya makakapagtanim ngayon ng palay man o gulay dahil sa wala silang pagkukunan ng tubig.

Dahil dito ay nananawagan siya sa Pangulong Duterte na sana ay mabigyan sila ng kahit na 10 cms na supply ng irigasyon nang sa gayon ay kahit papano ay makapagtanim sila ng palay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here