Home Headlines SUSTAINABLE LIVELIHOOD PROGRAM Baka, kambing ipinamahagi sa Zambales

SUSTAINABLE LIVELIHOOD PROGRAM
Baka, kambing ipinamahagi sa Zambales

1542
0
SHARE

Pinagmamasdan ng mga benepisyaryo ang mga baka na ipinamamahagi sa kanila sa ilalim ng sustainable livelihood program ng DSWD at LGU Zambales. Kuha ni Armand Galang


IBA, Zambales – Bilang residente ng coastal municipality ng Cabangan ay napakahirap para sa pamilya ni Edgar Rafanan ang mga pagkakataon, lalo na kung tagulan, na hindi sila maaaring pumalaot upang mangisda.

Ang pangingisda, aniya, ang tanging kabuhayan para sa kanila. “Mahirap talaga, walang kita kapag hindi makapangisda lalo na kung may bagyo,” sabi ni Rafanan.

Nitong Miyerkules, si Rafanan ay isa sa 60 benepisyaryo na tumanggap ng pararamihing baka sa ilalim ng sustainable livelihood program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at pamahalaang panlalawigan ng Zambales sa pangunguna ni Gov. Hermogenes Ebdane, Jr. kaya nakatagpo siya ng bagong pag-asa.

Paliwanag ni Rafanan, dati ay may alagang baka rin ang kanyang biyenan at napakalaki raw ng tulong nito sa pamilya.

“Kapag may kita sa pangingisda ay tuloy-tulpy lang ang pag-aalaga sa baka. Pag hindi makalangisda, lalo pag tagulan, magbenta ng isa para sa pag-aaral ng mga bata,” sabi ni Rafanan.

Ayon kay provincial social welfare and development offi ce Merlie Pastor ang mga recipient ng programa ay nabibilang sa benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Bukod sa 60 baka, bahagi rin nito ang pamamahagi ng 150 kambing, at 43 set ng welding machines. Bahagi ito ng P27-milyon SLP ng ahensiya, ayon sa kanya.

“Ito po’y na-download sa province of Zambales para tayo po ang mag-implement,” sabi ni Pastor.

Ang pamamahagi na ginanap sa bakuran ng provincial agriculture office dito ay dinaluhan din nina dating board member Rolex Estrella, SLP regional coordinator Vencie Vertulfo, mga opisyal ng provincial veterinary office, at iba pa.

Binigyang-diin ni Estrella na isa sa mga pangunahing agenda ni Ebdane ang paglikha at pag-aangat ng kabuhayan ng kanilang mga kababayan.

“Ang mensahe ni Gov. Ebdane sa ating mga kababayan ay pahalagahan yung programa. Ibibigay po sa kanila yung mga cattle, yung mga kambing, sana ay alagaan po nila sapagkat sila naman po yung unang-unang magbi-benefit,” pahayag ni Estrella.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here