Home Headlines Tanggal Bulok, Tanggal Usok ipinatupad sa Angeles City

Tanggal Bulok, Tanggal Usok ipinatupad sa Angeles City

637
0
SHARE

ANGELES CITY — Nagsagawa ng “Tanggal Bulok, Tanggal Usok” operation ang ang mga pant ranspor tas yong ahensiya ng pamahalaan sa panunguna ng Inter-Agency Coordination on Traffic sa mga pampasaherong jeep sa kahabaan ng Barangay Balibago nitong Martes.

Nabulaga ang marami sa mga jeepney drivers na biyaheng Checkpoint- Sto. Rosario nang ng mga violations gaya ng smoke-belching, kawalan ng ilaw, kalbong gulong, walang side mirror, walang signal light at iba pa.

Kapag may nakitang violation ang mga otoridad ay agad na tinitiketan at kukumpiskahin ang lisensya ng mga driver.

Hindi naman nagtatagal sa lugar ang mga otoridad at lumilipat din sila agad para mas marami pang mainspection na mga sasakyan.

Nagsagawa din ng actual na emission testing ang mga taga LTO kasama ang DENR upang suriin ang usok binubuga ng bawat jeep.

Iba-iba naman ang naging reaksyon ng mga driver at ilang pasahero sa nasabing operasyon.

Ayon sa pasahero ng jeep na si Hiro Cariño, pabor naman siya sa ginawang inspeksyon sa mga nasabing sasakyan dahil ito ay para rin sa kabutihan ang kaligtasan ng bawat mananakay.

Isa naman sa mga driver na nahuli si Redentor Manalan na simula pa nung siya ay binata pa nagumpisang mamasahero na ng jeep

Ayon sa kanya ayos lang ang ginagawang pang iinspeksyon sa kanyang minamanehong jeep bagamat naaabala, ay balak naman na niyang ipagawa ang kanyang sasakyan na mula nung 1970’s ay pumapasada na

Dagdag naman ng ilang driver ayos lang na inspeksyunin ang kanilang gamit na jeep huwag lamang silang aalisin sa kalye

Nagbigay naman ng libreng sakay ang militar bilang ayuda sa mga pasaherong naabala sa kanilang mga lakad dahil sa naturang operasyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here