Home Opinion Palipi ni Sam, mapakialam

Palipi ni Sam, mapakialam

779
0
SHARE

ANG pagiging mapakialam nitong lipi
ni Sam, na likas sa kanyang asal hari,
ninanais pati ang di n’yan kalipi
masunod ang pita nila kahit mali.

Gaya halimbawa ng panghihimasok
sa internal affairs ng Pinas, grave abuse
itong sa atin ay gustong ipag-utos
ng dalawang surot na U.S. Senators

Anong legal basis n’yan para atasan
ang ating D.O.J. o ang alin pa mang
sangay nitong ating hudikatura r’yan
upang ang kanila itong mapagbigyan?

Bilang isang bansang nagsasarili na
ay di nararapat na tayo’y idikta
ng alin mang lipi o nitong sino pa,
sa kung anong dapat ikilos kumbaga.

Na tunay naman din na maituturing
na ang sistemang ‘yan ay pang-aalipin
sa kaulad natin na mayrung sariling
mga panuntunan na marapat sundin.

Tama bang sa gustong mangyari, sumunod
tayong pikit-mata at mapahinuhod?
Alalahanin ng two U.S. Senators,
ang Pilipinas ay hindi nila sakop.

Kaya para tayo ay atasan nga n’yan
na palayin ang suspek sa anumang
kaso, na tulad ng gustong pakawalan
natin ng U.S. ay napaka-espesyal?

Na dili’t iba ay si Leila de Lima,
na may kabigatan ang asunto niya;
Pang- abuso sa ating republika
ang tayo’y idikta nitong Amerika.

Ang pagbantaan pa mandin itong lahat
ng opisyal nating sa buton may hawak,
na kapag si Leila di n’yan pinalabas,
sa U.S. ay di rin sila makatapak?

Anong klaseng menatalidad kung ganoon
itong magagaling na U.S. Senators,
na nakisimpatya sa kaso riyan nitong
isang naturingan pa manding Senador?

Ang ganitong klaseng pag-uugali r’yan
ng U.S. na lubhang balintuna minsan,
ang nagiging mitsa nito kadalasan
ay babag kundi man grabeng kaguluhan.

Tulad na lang nitong ginawa sa Iran
ni Trump, (na aywan kung pinag-isipan n’yan
ang maari o posibleng kahinatnan)
tama ba’ng ginawang pamiminsala riyan?

Kung saan ang isang importanteng tao
sa bansang naturan ay napatay nito?
Ang kahitnan n’yan (huwag na nawa po Diyos ko)
Tiyak pagkagunaw nitong buong mundo!

Eh, bakit nga hindi kung kagaya nitong
banta r’yan ni Trump na pasabugin itong
‘Cultural Heritage’ d’yan na libong taon
na ang edad, wasak kapag nagkataon?

At maglabu-labo itong lahat na riyan
ng magkakampi at mga magkalaban?
Ano ang maari nating maasahan,
kundi ng ika nga’y posibleng “Third World War?!”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here