Home Headlines BFAR namahagi ng 100 fishing boat

BFAR namahagi ng 100 fishing boat

1401
0
SHARE

TULONG SA MANGINGISDA. Kasama nina BFAR Region 3 director Wilfredo Cruz, Zambales 1st District Rep. Jeffrey Khonghun at Subic Mayor Johnathan Khonghun ang mga mangingisda na tumanggap ng mga fiber glass fishing boat. Kuha ni Johnny R. Reblando

SUBIC, Zambales – Isang daang 20-footer fiber glass fishing boat ang ipinamahagi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at ng pamahalaang bayan ng Subic sa mga mangingisda na nasa mga baybayin ng bayang ito.

Ayon kay BFAR regional director Wilfredo Cruz, umaabot na sa may 2,000 ng mga ganitong bangka ang naipamahagi ng BFAR sa buong Region 3.

Sa Zambales may mahigit 500 bangka na ang naipamamahagi. Naunang pinagkalooban ng may 300 bangka ang nga mangingisda sa Masinloc.

Sinabi ni Cruz na target ng BFAR na makapagbigay ng mas malaki pang bangka para sa makaabot na sa kanilang pangingisda sa higit pang 15 kilometro na itinakda bilang municipal water.

Ayon pa kay Cruz, kasama din na binibigyan ng bangka ang mga LGUs na nagpapatupad ng fishery laws para may magamit sila sa kanilang operasyon laban sa illegal fishing activities.

Dagdag pa ni Cruz na nagbukas na ang BFAR ng “loan windows” para sa mangingisda na nanganagilan ng puhunan at pwede na silang magloan at kung may kalamidad naman mayroon tinatawag na survival and recovery loan program na may halagang P25,000 at payable sa loob ng dalawang taon.

Kaugnay nito, inilunsad na ng BFAR ang programang Malinis at Masaganang Karagatan (MMK), isang pa-contest sa lahat ng munisipalidad at sasailalim sa pagsasanay ang bawat kasali sa buong rehiyon.

Ang 1st Prize ay mananalo ng P2 million, 2nd Prize ay P1 million at 3rd Prize ay P500,000.

Ang mananalo sa regional level ay maaring sumali sa national contest na may mga premyong P30-million, P18 million, at P10 million.

Ang mga kasali ay dapat makapasa sa mga alituntunin na ipinapatupad ng BFAR.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here