Home Headlines Firecracker ban ipaiiral sa pagbubukas ng SEAG

Firecracker ban ipaiiral sa pagbubukas ng SEAG

695
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS — Pansamantalang ipatutupad ng kapulisan ang firecracker ban sa Bulacan para bigyang daan ang pagbubukas ng SEA Games.

Ayon kay Col. Chito Bersaluna, provincial director ng Bulacan PNP, tigil muna sa paggawa at pagbebenta ng mga paputok sa mga bayan ng Marilao, Sta. Matia at Bocaue sa Nobyembre 29-30 sa kasagsagan ng pagbubukas ng palaro.

Ayon kay Bersaluna, sa mga nasabing bayan ang halos nasasakupan ng Philippine Arena na pagdadausan naman ng pagbubukas ng 3Oth SEA Games at kanilang iniiwasan na magkaroon ng insidente ng pagsabog ng mga paputok sa mga tindahan at mga gawaan habang may palaro.

Kaugnay nito, naglabas na ng executive order ang Pamahalaang Bayan ng Bocaue para sa pagbabawal sa paggawa, paglilipat at pagbebenta ng paputok.

Ayon kay Atty. Juvic Degala, legal officer ng Bocaue, magkakabisa ang kautusan mula hatinggabi ng November 30 at matatapos sa December 1.

Aniya, nagkaroon na sila ng konsultasyon sa mga nagtitinda at gumagawa ng mga paputok para dito na nakiisa naman para sa kaayusan ng pagbubukas ng palaro.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here