Home Opinion Kulang sa pito, sobra sa walo

Kulang sa pito, sobra sa walo

1109
0
SHARE

DI KAYA itong si Apollo Quiboloy
may sayad na kaya siya ay patuloy
sa self-proclaimed n’yan na appointed son nitong
ating dakilang Diyos at Panginoon?

At itong aniya ay pag-aari nito
ang lahat ng yaman sa ibabaw ng mundo,
yan sa akala ba ng pastor na ito
paniniwalaan ng normal na tao?

Di ko sinasabing siya ay may topak
pero ang sinumang ganyan kung mangusap,
maituturing na may banto sa utak
kundi man posibleng nanuno sa tiyanak.

Sinong may matinong muni’t pag-iisip
ang nagwikang nakarating na sa Langit,
kung saan pati na iba pang daigdig
nalakbay na, kundi itong ating ‘subject?

Kung totoong lahat itong sinasabi
r’yan ng bulaan na propetang nasabi,
ano’t ang hamon sa kanya ni Brod Eli
ng ‘Ang dating Daan’ di harapin pati?

Kung saan para lang siya makaiwas
sa hamon ni Eli, ‘multi US dollars’
itong hiniling na sa kanya ibayad,
upang si Soriano ay hindi pumayag.

Sino naman kaya r’yan ang matinong
manga-aaral itong sa bulaang pastor
na kagaya nga ni Apollo Quiboloy
itong sa hiling n’yan ay basta papatol?

Palusot na lang ng pastor na mayabang
itong paghingi pa n’yan ng kabayaran
para lang patulan siya ni ‘Dating Daan’
Brod Eli Soriano, sa patas na laban.

Anong panama ni Apollo kay Eli
pagdating sa puntong tunay na debate
ang paglalabanan¸ at lahat ng klase,
sa Banal na Aklat dapat nakabase?

Bakit hihingan niya si Eli Soriano
ng ‘millions of dollars’ para lang siya nito
labanan sa isang kumbaga ay duelo,
gayong pag-aari n’yan ang buong mundo?

At siya itong dapat magbigay kay Eli
ng premyo, matalo’t manalo ang dyaske,
bilang pagtugon n’yan sa taong nasabi
sa pagpayag na siya ay makadebate.

Kung ang lahat na nga ay nagagawa n’yan
nang sa kagaya ng sa Poong Maykapal,
bakit itong lindol, bagyo at iba pang
klaseng kalamidad di nito hadlangan?

Na hayan, halos ay sa tungki ng ilong
at dilat na mata ay malinaw nitong
nakikita pati na r’yan ang gamundong
pinsala, bakit di gawan n’yan ng aksyon?

At nang ika nga ay solusyong marapat
upang ang lahat na ay mabigyang lunas,
di kagaya nito na pawang ‘palipad
hangin’ lang na walang buting maihambag?!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here