Home Opinion ‘Hazing,’ kultura ng karahasan

‘Hazing,’ kultura ng karahasan

1030
0
SHARE

MAHABANG taon na’t ilang indibidual
na ang sa ganito minalas mapatay
nitong kapwa nila mga mag-aaral,
ng dahil sa sobrang pananakit minsan.

Pero patuloy pang ‘yan ay ginagawa
ng mga wala rin namang napapala
kundi ng disgrasya’t malaking pinsala,
kaya nga’t dapat nang ito’y masansala.

Lalo ngayong para bagang ang pag-iral
sa lahat ng uri ng institusyonal
na pangmilitar at iba pang pandayan
ng karunungan ay ‘practice’ na nila ‘yan.

Partikular na r’yan sa pang-military
na kagaya nga ng nasa Baguio city,
kung saan dito ang pinakamarami
ng insidente ng grabeng pangyayari.

Sa maling akala na itong pagsubok
kung ga’no katatag at tibay ang loob
ng mga kadete, ipatikim halos
ang lahat ng hirap bago makatapos.

Kung saan kabilang na nga r’yan ang ‘hazing,’
na ipararanas, saka matitinding
pananakit at ng mga pangyayaring
wala sa lugar ang iba pang gawain.

Nand’yan ang sila ay pagtatadyakan,
palulunukin ng bagay na maanghang,
pagsasampalin at kuryentihin minsan,
gaya ng kay Darwin kaya siya namatay.

At iba pang di na rin mabilang halos
sa daliri itong sa ‘hazing’ nalagot
ang buhay ng dahil sa sipa at suntok
ng mga ka-‘brod’ na sa duyan nahulog.

‘Hazing is a test of strength and endurance
Anchored on the belief that only a true man
Willing to undergo severe pain could stand
The worth of being brod, yes, I do understand;

That such is tradition in all fraternities
And to what usually they called sororities,
But though it is neither confi ned to such practice
They must have also a certain so called limits’

Sa pagsasagawa ng lintik na ‘hazing,’
na ipinagbawal na, pero and’yan pa rin
sa kabila nga r’yan ng aprubadong bill,
na naging batas na’t tawag ‘anti-hazing’.

Upang ang kagaya ng pinag-gagawa
kay Darwin Dormitorio ng kanyang kapwa
kadete, aywan kung sa ‘drugs’ ay sugapa,
kaya’t asal hayop, sa akmang salita.

Sa puntong naturan ay kailangan na ring
baguhin ang lahat ng alituntunin
ng PMA at iba pang katulad din
n’yan na ipatupad na ang ‘anti-hazing’.

Nang sa gayon ang ating inaasahan
na magiging tagapagtanggol ng bayan,
di mamumulat sa grabeng karahasan,
kundi sa mabuti at magandang asal!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here